Saturday, November 03, 2007

Nanaginip ako kagabi...

nakasakay ako sa likod ni Albert*
naka doggy style na luhod siya at nakasakay ako sa likod niya.
Papasok daw ako sa opisina at sasabay ako sa kanya.
nakasakay ako sa likod ni Albert, papasok sa opisina.
( Nag silbi siyang kotse )

Sa bandang kanan, nakita ko ang aking nakababatang sarili.
Umiiyak.
Nagseselos at nagtatampo,
nakita ko ang aking sarili.
Galit na galit sa akin.
Gusto niya ding sumakay sa likod ni Albert.
Gusto niya ding makasama siya sa isang malambing
at mapag-arugang pamilya.
Gusto niya ding makatikim
ng pagtanggap at pagmamahal...

Hindi ako pumayag.

Nakalabas lahat ang aking ngipin.
Malaki ang ngiti sa aking mga mata.
Matuling tumatakbo si Albert, habang nakaluhod.
At dumating kami sa bahay nina Jane at Oscar*.

Naabutan namin silang nag bubulungan.
Meron silang pinagtataguan.
pinag uusapan.
pinag pa-planuhan.
Meron silang 'Kagalit'
Isang taong ayaw na ayaw nila.
Isang taong kinamumuhian
Isang taong gusto nilang sakalin hanggang mamatay...

May kumatok sa pinto.
tahimik ang lahat.
baka ito na yung taong tinutukoy.
natakot ako at nagpigil ng hininga
pag bukas ng pinto...

sumilip ang isang luma at matarik na hagdan.
humihingi ng barya.
bibili daw siya ng sampaguita.

*Names have been changed for privacy

0 Comments:

Post a Comment

<< Home