Wednesday, January 31, 2007

nagyeyelo ang hangin
tumatapik sa aking pisngi
ang talim ng kanyang mga panalangin

salubungin natin
ang kalungkutang
lumalangoy sa alak

halina't sumayaw
sa liwanag ng bituin
sa likod ng salamin
sa bawat kaligayahan at ngiti

na nakikipag kamay lamang
sa panaginip